28/05/2026
Ano pa ang hinihintay niyo?
Message us now for your FREE solar installation quotation! ☀️
Samantalahin ang SSS salary loan para makapagpakabit ng solar at makatipid sa kuryente.
✔ Lower electricity bills
✔ Backup power during brownouts
✔ Reliable solar solutions for your home or business
Start your solar journey today with Bahio Solar Solutions.
Good News sa Gitna ng Power Crisis: SSS, Maglulunsad ng Solar Loan Program para sa mga Miyembro
Habang patuloy na nararanasan ng maraming Mindoreño ang rotational brownouts at mataas na singil sa kuryente, isang posibleng magandang balita ang inanunsyo ng Social Security System (SSS) para sa mga miyembro nito.
Inihayag ng SSS na target nilang ilunsad ngayong Setyembre ang isang bagong loan program na magpapahintulot sa mga kwalipikadong miyembro na makapag-loan para sa residential solar panel systems.
Layunin ng programa na matulungan ang mga pamilyang Pilipino na mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng kuryente habang hinihikayat din ang paggamit ng renewable energy.
Sa ilalim ng programa, maaaring umutang ang mga kwalipikadong miyembro ng SSS na kabilang sa mandatory provident fund program. Ang loan ay maaaring bayaran nang hanggang pitong taon.
Target ng SSS na masuportahan ang hindi bababa sa 100,000 kabahayan pagsapit ng 2028.
Maituturing itong magandang development para sa Oriental at Occidental Mindoro na kasalukuyang nakararanas ng manipis na power supply, rotational brownouts, at red alert status sa ilang pagkakataon nitong mga nakaraang linggo.
Sa mga lugar na madalas mawalan ng kuryente, nakikita ng ilan ang residential solar systems bilang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya lalo na para sa ilaw, bentilador, internet, at mahahalagang appliances.
Ayon pa sa SSS, naging posible ang pagpapalawak ng kanilang member assistance programs dahil sa malakas na financial performance ng ahensya noong 2025, kung saan umabot sa ₱142.97 bilyon ang kanilang net income habang lumagpas naman sa ₱1 trilyon ang reserve fund nito.
Nauna nang naglunsad din ng kahalintulad na solar financing program ang o GSIS para naman sa mga government employees.
Sa unang linggo pa lamang ng operasyon nito, umabot na umano sa ₱890 milyon ang naipautang ng GSIS sa ilalim ng kanilang solar energy loan program.