06/09/2026
โKakarampot at pang-survive na nga lang ang kinikita araw-araw,
tapos ang dami pang permits
na kailangan i-comply,
at penalties kapag
โdi nakabayad on time.โ
Napaisip ako nung mabasa ko yan.
Kasi ganito ang reality
para sa maraming
maliliit na negosyante.
Hindi naman milyon
ang kinikita nila.
Minsan sapat lang
para sa renta,
pambayad ng kuryente,
pambili ng stocks,
at pang-araw-araw na
pang gastos ng pamilya.
Pero kahit maliit
ang negosyo,
marami pa ring
responsibilidad na kailangang
asikasuhin.
Permits.
Registration.
Tax filing.
Books.
Records.
Deadlines.
At kapag may
nakaligtaan o na-delay,
may penalty na
puwedeng dagdag
sa problema.
Kaya imbes na
ang kaunting kita
ay mapunta sa
pagpapalago ng negosyo,
napupunta pa sa
compliance costs at
iba pang bayarin.
Hindi naman ibig sabihin
na dapat alisin
ang lahat ng
regulations at taxes.
Kailangan pa rin
ng gobyerno ng
revenue at accountability.
Pero dapat maintindihan
na hindi pareho
ang kapasidad ng
micro business at
malaking kumpanya.
Kung maliit ang
negosyo,
dapat mas simple
ang requirements.
Mas affordable
ang compliance.
At mas proportional
ang penalties.
Kasi ang goal
dapat ay hindi
pahirapan ang negosyante
hanggang sumuko siya.
Dapat tulungan siyang
maging compliant,
makasurvive,
at lumago.
Kasi kapag namatay
ang maliit na negosyo,
hindi lang owner
ang nawawalan.
May empleyadong mawawalan
ng trabaho.
May supplier na
mawawalan ng customer.
At may economic activity
na mawawala.
Kaya kung gusto
nating dumami
ang matagumpay na
MSMEs,
huwag natin silang
lunurin sa
bayarin at compliance
bago pa sila
makalago.
P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.