26/10/2025
Paalala sa Aming mga Customer ‼️
Nais naming ipaalam na kamakailan ay may mga tangkang scam kung saan ang modus ay ang paggamit ng pekeng online payment screenshots at madaliang delivery bookings (halimbawa via Lalamove) para manloko ng mga seller.
Bilang pag-iingat, kami po ay tatanggap na lamang ng real-time at kumpirmadong bayad bago ipadala ang anumang order. Wala pong exceptions.
Patuloy po sana tayong maging alerto at mapanuri sa bawat transaksyon upang maiwasan ang ganitong uri ng panlilinlang.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na pagtitiwala.
—5578 Hardware