10/04/2026
Alam n’yo ba… may isang a*o na gabi-gabi bumabalik sa isang tapsilogan para maghanap ng makakain?
Sa isang tapsilogan sa Koronadal City, napansin namin siya.
Tahimik lang. Nakatayo sa may pinto. Hindi nanggugulo—parang umaasa lang na baka may magbigay ng kahit kaunting tira.
Sabi ng staff, mahigit isang oras na raw siyang naghihintay. Pero halos wala talagang natira mula sa mga kumain.
Kaya naawa kami.
Umorder kami ng pagkain para sa kanya—may extra rice pa—para lang may mailaman siya. At habang kumakain siya, doon namin nalaman na halos gabi-gabi pala siyang bumabalik.
Parang kabisado na niya ang lugar. Parang umaasa na baka… may magbigay ulit.
Napaisip kami…
Kapag walang nag-abot, saan siya kukuha ng pagkain?
Kapag umuulan, saan siya sisilong?
Kapag sarado ang kainan, paano na siya?
Naalala ko si Totskie—ganito rin dati. Laging nasa labas ng kainan, naghihintay… hanggang sa may nagligtas sa kanya.
Kaya naisip namin, baka may handang mag-adopt.
Handa kaming tumulong—i-rescue siya at ihatid sa mas ligtas na lugar. Yung hindi na siya maghihintay gabi-gabi para lang mabusog.
Pero ngayong gabi, kahit paano… panatag kami.
Dahil kahit papaano, nabusog siya.
At tahimik kaming nagdasal—
na sana sa susunod na mga gabi, hindi na siya maghintay nang mag-isa.