01/07/2026
Ang BOYSEN Plexibond ay isang waterproofing product na mayroong seamless, non-porous at, impenetrable property. Ito ay pinapahid sa sementong pader (ex. firewall) upang mapigilan ang pagpasok at pagsipsip ng tubig sa loob ng kongkreto.
Bagama't formulated ito na panglaban sa tubig, mas magiging epektibo at kumpleto ang solusyon, kung sisiyasatin munang maigi ang mga lugar na mayroong problema at ayusin depende sa makikitang mga problema. Ang ilan dito ay maaaring mga cracks, sirang mga tubo, maling dausdusan ng tubig o iba pa.
Para sa lugar na mayroon nang water seepage, mainam na kumonsulta sa mga professionals tulad ng waterproofing experts o contractor para sigurado ang pag-aayos ng iyong problema.