16/09/2023
Tama nga naman
Kindness is the best gift you can give to yourself and others. This is what Neri Miranda realized on her 40th birthday. The actress and entrepreneur shared a heartfelt message on her social media account as she marked her 40th birthday.
"40
"Ano nga ba ang life realizations ko ngayong 40 yrs old na ako?
"Kailangan nating yakapin ang mga challenges sa ating buhay with kindness. Hindi madali lalo na kapag ikaw ang naagrabyado, be kind, no matter how others act. Don't let bad people change your good heart.
"Don't confuse money with true richness. Wag maging gahaman. Mayaman ka nga, marami ka namang kaaway. Hindi sukatan ang pera sa tunay na yaman. Baka mayaman ka nga sa mata ng iba, pero wala kang tunay na kaibigan.
"Sa bawat pagkakamali, may aral na kasama. Hindi na kailangan pang magsisi sa nakaraan. Ang mahalaga ay natuto ka.
"Be with good people, cherish real friends, and set boundaries.
"Tulad ng sinabi ko sa aking libro na "Wais Na Misis, "Hindi laging madali para sa akin, but when life threw me lemons, hindi ako nagtago. Kinolekta ko ang bawat isa at ginamit sa pinakamagandang paraan - naging lemonade, lemon pie, sabon, at pampabango. Ano ang sunod? Binenta ko sila lahat at pinatunayan ang aking kakayahan! Hindi ako nagpatalo. Hindi madali pero kinaya at kinakaya.
"Ngayong kwarenta na ako, sobrang grateful at walang hanggang pasasalamat ko kay Lord dahil may pamilya akong todo ang suporta at pagmamahal sa akin, at asawang palaging nandyan para sa akin, tagapagtanggol at tagasuporta sa akin.
"Maraming salamat, Lord, sa isa pang taon na puno ng pagmamahal. Sa bawat biyaya at pagsubok ng buhay, ang aming pananampalataya sa Inyo ang siyang nagiging ilaw at gabay namin. ❤️" Neri wrote.
Photo ny Neri Miranda (Facebook)