16/05/2026
๐ญ Sakita ani. Life could have been saved.
ANYONE who needs elecricity for their medical equipment, basta kaya lang ani amung tiny power station, please please send us a message - ipahuwam ni nako amu power station, no need mo bayad.
Sa katong naa sa lagyu, i suggest mamalit mo og ingon ani โPOWER STATIONSโ. Naa ray mga baratohon ani. This is basically a high tech version of Gas Generators, but instead of Gas, Solar or Electric Power ang gamit ani. Naa niy battery inside that can store electricity nga magamit ninyu incase of brownouts. Gamit kaayu pang suga, pang medical equipment, electric fan. Sa naay ingon ani, unya wala pa gamita, ipa huwam lang pd ninyu inyuha sa nag need (naay babies og masakiton). Labi na karun nga permi Red Alert ato Grid og maka paso ang kainit.
Amping mo tanan! Stay hydrated!
ISANG LOLO, NASAWI MATAPOS MAHIRAPANG HUMINGA NANG MAWALAN NG KURYENTE HABANG GUMAGAMIT NG NEBULIZER
Nasawi ang isang lolo matapos mawalan ng kuryente habang gumagamit ng nebulizer na kailangan para sa kaniyang sakit na hika at hirap sa paghinga.
Kwento ng apo at uploader na si Mhike Clerwin, araw-araw niya itong ginagamit upang makatulong sa kanyang gamutan at paghinga. Ngunit nitong Biyernes, Mayo 15, 2026, hindi niya naipagpatuloy ang kanyang nebulizer treatment dahil sa Manual Load Dropping (MLD) na ipinatupad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
โHindi ko ito ibinabahagi upang sisihin ang sinuman, kundi upang magbigay ng kamalayan na maraming mahihirap na Pilipino ang may mga karamdaman na nangangailangan ng mga kagamitang medikal na gumagamit ng kuryente para sa kanilang gamutan.โ
โSana ay mas maging mulat tayo na sa mga ganitong sitwasyon, lalo na sa ganitong panahon at klima, may mga matatanda at may sakit na umaasa sa kuryente upang makatulong sa kanilang kalusugan at gamutanโ, saad niya sa kaniyang post.
Nitong Biyernes, isinailalim sa RED ALERT STATUS ng NGCP ang LUZON GRID at VISAYAS GRID at nagdulot ng kabi-kabilang rotational brownouts sa Luzon at Visayas dahil sa Manual Load Dropping (MLD) na tumatagal nang higit sa 2-3 oras.
๐ธ Mhike Clerwin